Sinariwa ng beteranang aktres na si Snooky Serna sa alaala ng kaniyang kabataan sa mundo ng showbiz industry.

Sa latest episode ng vlog ni Snooky nitong Sabado, Disyembre 9, isa-isa niyang binalikan ang mga dati niyang larawan kabilang na ang isang picture kung saan kasama niya sina Albert Martinez at Gabby Concepcion.

“Ano bang ire-react ko dito? Sino ang mas guwapo? Sino ang mas crush ko” natatawang sabi ni Snooky pagkakita sa nasabing larawan.

“Ang nanligaw po sa akin si Albert Martinez. Hindi naman masama, ‘di ba. Guwapo naman aminin na natin. Alam na natin naman ngayon sinabi naman ni Tita Shawie, dating boyfriend niya si Albert Martinez,” aniya.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Dagdag pa ng aktres: “For the record, niligawan ako ni Albert, hindi ko alam hindi pa pala sila nag-isplit ni Sharon. Hindi pala totoo ‘yung sinabi ni Albert sa akin na naghiwalay na sila. So, sinagot ko po si Albert. And the rest is history. Hindi rin kami nagkatuluyan.”

Matatandaang sinabi ni Snooky sa isang episode ng ”Fast Talk With Boy Abunda” noong Mayo na si Albert umano ang kaniyang first love.