Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng hapon, Disyembre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:12 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 75 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 6 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Eleksyon

Tito Sotto, bet umukit sa kasaysayan bilang unang senador na naihalal sa ika-5 termino

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.