Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Sabado ng umaga, Disyembre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:54 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 83 kilometro ang layo sa timog-silangan ng General Luna, Surigao del Norte, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.