Nagbigay ng mensahe si social media personality Rendon Labador sa TV host-actor na si Joey De Leon.

Sa Facebook MyDay ni Rendon nitong Sabado, Disyembre 9, makikita ang screenshot ng komento niya sa post ng isang online news platform tungkol kay Joey.

“Utang na loob! Magkaisa muna tayo, Boss Joey, kahit ngayong Pasko lang. Nakakasawa na kasi ‘yung parinigan ninyo. Hindi rin magandang halimbawa sa mga bata rito sa socmed,” saad ni Rendon.

Dagdag pa niya: “Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa. Sayang naman ‘yung nabuo ninyo. Icon pa naman kayo tapos may panay ganyan tayo. Magkahiyaan na lang po, Boss Joey.”

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Matatandaang nagpasaring si Joey sa isang video na in-upload niya sa kaniyang X account kamakailan.

MAKI-BALITA: ‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?

Bagama’t walang nabanggit kung sino o ano ang pinasasaringan, tila may kinalaman ito sa kanselasyon ng trademark registration ng “Eat Bulaga!” sa TAPE, Inc..

Naiulat kasi na ipinawalang-bisa na umano ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”.

MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Joey hinggil sa sinabing ito ni Rendon.