Pinatutsadahan ng talent manager na si Annabelle Rama ang mga “chismosang Marites” na nagpapakalat umano ng mga maling kuwento na siya ang dahilan ng umano'y hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Disyembre 8, sinabihan niya ang mga “chismosang Marites” na tigilan nang gumawa ng maling kuwento.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Mga chisomasang Marites! Tigilan n’yo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa [social] media is all fake news. ‘Wag n’yo nang dagdagan ang mga maling balita. Malalaman n’yo rin ang katotohanan in due time,” ani Annabelle.

“Baka ma-shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman n’yo kung sino walang hiya na kontrabida. Mali ang [bintang] n’yo sa akin,” dagdag pa niya.

Patutsada pa ng ina ni Richard na huwag idiin sa kaniya ang mga nangyayari ngayon.

Matatandaan kasing si Annabelle ang itinuturong umanong dahilan ng hiwalayan umano nina Richard at Sarah, base sa usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika sa isang episode ng “Showbiz Now Na.”

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, itinuturong dahilan ng hiwalayang Richard, Sarah?

Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina,” pagpapatuloy pa ni Annabelle sa post.

“‘Wag n’yong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari, ang bilis. Nagulat na lang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag-umpisa ang malaking gulo. ‘Wag n’yo ibagsak sa akin ang sisi,” aniya pa.

Inispluk din ng talent manager na gigil na gigil na raw siyang isiwalat ang mga totoong pangyayari pero pinagbawalan daw siya ng kanilang abogado.

“Kung hindi ako pinagbawalan ng lawyer na magsalita. Mag-enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin [kong] kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.

“Basta ako, ayaw ko silang maghiwalay dahil mahal ko ang mga apo ko,” pagtatapos pa niya.

Nauna na ring inispluk ni Annabelle na sa kaniya ngayon nakatira si Richard.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

At nang tanungin naman siya tungkol sa umano’y gusot nila ni Sarah, sinabi niyang hindi niya pa ito nakakausap at wala rin daw siyang oras na makipag-usap.

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’