Para kay Annabelle Rama, ayaw niyang maghiwalay ang kaniyang anak na si Richard Gutierrez at manugang na si Sarah Lahbati dahil mahal niya raw ang kaniyang mga apo.

“Basta ako, ayaw ko silang maghiwalay dahil mahal ko ang mga apo ko,” bahagi ng kaniyang pahayag sa Instagram post nitong Biyernes, Disyembre 8.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa parehong post, pinatutsadahan ni Annabelle ang mga “chismosang Marites” na nagpapakalat umano ng mga maling kuwento na siya ang dahilan ng umano’y hiwalayan nina Richard at Sarah.

“Mga chisomasang Marites! Tigilan n’yo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa [social] media is all fake news. ‘Wag n’yo nang dagdagan ang mga maling balita. Malalaman n’yo rin ang katotohanan in due time,” aniya.

Maki-Balita: Annabelle sa mga ‘chismosang Marites’: ‘Wag ninyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon’

Bago ang naturang post, nauna na ring inispluk ni Annabelle na sa kaniya ngayon nakatira si Richard.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

At nang tanungin naman siya tungkol sa umano’y gusot nila ni Sarah, sinabi niyang hindi niya pa ito nakakausap at wala rin daw siyang oras na makipag-usap.

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’