Pumanaw na ang reggae artist at finalist ng The Voice of the Philippines Season 2 na si Juan Manuel Ubaldo, mas kilala bilang Kokoi Baldo, dahil sa aksidente nitong Biyernes, Disyembre 8. Siya ay 44-anyos.

Ayon sa mga ulat, sakay ng motorsiklo ay sinubukan umano ni Baldo na mag-overtake sa kaharap niyang sasakyan sa Circumferential Road sa Brgy. Mandalagan, Bacolod City pasado 1:30 ng madaling araw nitong Biyernes.

Samantala, nawalan umano siya ng kontrol sa motor at bumagsak, hanggang sa mabangga ng isang 10-wheeler truck, dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Nasa kustodiya umano ng mga pulis ang driver ng naturang truck at nagpapatuloy daw ang imbestigasyon hinggil dito.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Samantala, inanunsyo rin ng manager ni Baldo na nagngangalang “Sam” ang pagkamatay ng reggae artist.

“It is with a heavy heart to inform the public, especially the fans, that Kokoi Baldo has passed away earlier this morning,” saad ni Sam sa official Facebook page ni Baldo.

“We kindly ask for privacy during this hard time in respect to his family and friends. He will be missed, loved and forever in our hearts,” dagdag nito.

Unang nakilala si Baldo sa Season 2 ng  "The Voice of the Philippines" kung saan nakasama siya sa team ni Sarah Geronimo.