Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Cagwait, Surigao del Sur dakong 4:59 ng hapon nitong Biyernes, Disyembre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, inihayag nitong tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol.

Namataan ang epicenter nito 128 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 28 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Probinsya

Magnitude 4.7 na lindol, muling nagpayanig sa Surigao del Sur

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang nito lamang 2:52 ng hapon nang yanigin ng magnitude 4.7 na lindol ang Cagwait, Surigao del Sur.