Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur nitong Biyernes ng hapon, Disyembre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:54 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 19 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 33 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay isang aftershock ng nangyaring magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.