Inispluk ni Annabelle Rama na sa kaniya nakatira ngayon ang anak niyang si Richard Gutierrez sa kabila ng umano’y isyung hiwalay na ito kay Sarah Lahbati.

Matatandaan na naging maugong ang usap-usapang hiwalay na umano si Richard kay Sarah simula noong mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa kanilang mga latest picture sa Instagram.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Sa kaniyang eksklusibong panayam kay MJ Felipe ng ABS-CBN News, sinabi ni Annabelle na isang buwan nang nasa kaniya sa Richard.

“Si Richard nasa bahay ko ngayon one month na. Pero unti-unti siyang lumilipat ng gamit sa Alabang, lilipat na siya siguro after Christmas,” sey niya nang tanungin kung anong nangyari kina Richard at Sarah.

Itinanong din kay Annabelle kung hiwalay na ba ang dalawa, “Hindi pa ako puwede magsalita eh basta sabihin ko sa’yo si Richard na sa akin ngayon. Ngayon ['yung] mga bata na kay Richard.”

Ngayong holiday season daw ay pupunta ng Japan si Annabelle kasama ang pamilya niya "except for one"—na hindi naman niya sinagot kung sino itong hindi kasama.

Noong Nobyembre, tampok sa usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika si Annabelle.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” kamakailan, tila si Annabelle umano ang sinisisi sa hiwalayan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, itinuturong dahilan ng hiwalayang Richard, Sarah?