Wala raw time makipag-usap ang talent manager na si Annabelle Rama sa kaniyang manugang na si Sarah Lahbati.

Sa ulat ng entertainment broadcast journalist na si MJ Felipe ng ABS-CBN, sinabi ni Annabelle na hindi pa niya nakakausap si Sarah.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Hindi ko siya nakakausap. Wala akong time makipag-usap sa kanila,” ani Annabelle.

Dagdag pa nito, trabaho raw nang trabaho ang anak niyang si Richard Gutierrez ngunit si Sarah daw ang nagwawaldas nito.

"Nakikita mo naman 'diba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, 'yung isa nagwawaldas ng pera. 'Yun lang ang masasabi ko diyan,” dagdag pa niya.

"Mahirap para sa kaniya, kasi una trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng gulo,” paglalahad pa niya.

"Maghintay na lang kayo kasi malalaman niyo rin. Not now.”

Nauna na ring nabanggit ng talent manager na nakatira sa kaniya ngayon si Richard.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Noong Nobyembre, tampok sa usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika si Annabelle.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na”, tila si Annabelle umano ang sinisisi sa hiwalayan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, itinuturong dahilan ng hiwalayang Richard, Sarah?