Nagbigay ng mensahe si TV host-actor Paolo Contis sa gitna ng isyu ng “Eat Bulaga” trademark.

Sa latest episode ng “Eat Bulaga!” nitong Miyerkules, Disyembre 6, sinabi ni Paolo na mahaba pa umano ang laban hinggil sa nasabing isyu.

"Magandang tanghali! Nakaputi ako ngayon, iba ang outfit-an ko ngayon pero simple lang ang gusto kong sabihin para sa ating mga Kapuso. Mga Kapuso, mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin, legally, wala pang final. Okay? ," pahayag ni Paolo.

“Pero ito lang po ang pangako namin, ano man ang mangyari, ang nasimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy lang po namin araw-araw. Dahil 'yun naman po ang dahilan kung bakit kami pumapasok araw-araw. Kayo po ang dahilan kaya nandito kami," saad pa niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Matatandaang ipinawalang-bisa na ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”

MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na

Pero bago pa man ito, naglabas ng resibo noong Agosto ang TAPE na nauna silang magpa-renew ng “Eat Bulaga!” trademark sa IPOPHIL bago pa man ang paghahain ng reklamo ng Petitioners na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ tungkol dito.

MAKI-BALITA: Ni-renew ng 10 taon: ‘Eat Bulaga!’ trademark pagmamay-ari ng TAPE, Inc.