Maraming netizens ang naloka sa Facebook myday ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Disyembre 5.

Base sa myday ng ahensya, nag-upload ito ng maselang mga larawan ng isang babae.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa inilabas na pubmat para sa jackpot estimates ngayong Miyerkules, Disyembre 6, imbis maging highlight ang premyong mapapanalunan, mas binigyang-komento ng netizens ang myday ng PCSO.

“Yong laro 18+ pati yong my day 18+ din”

“hahahaha ayos sa myday ah”

“nakakaloka po my day niyo . amazing”

“pasok na pasok Ang my day..! panalo.”

“Ang myday nyo po, sobrang sagwa”

“oyyy yung my day mo ayusin mo nmn pohhh

“Naka myday yung jackpot”

“Lupit jackpot na iackpot my day nyo”

“NAUNSA!!!! Ang Story ninyo uiiii!!!! Hahahahaha. Jackpot na jockpot kaayo. Hahahhhhha”

“May nakahubad haha sa myday hahaha”

"GUSTO NYO GUMANDA ARAW NYO???? VIEW NYO MYDAY NG PCSO"

"NASA MY DAY NETO ANG RESULT AHAHAHA"

"Gusto ko lng naman i check kung may nanalo, bat may Bold PCSO"

"Ang kalat ng My Day niyo"

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang PCSO sa naturang myday.

Samantala, papalo sa P15 milyon ang premyo ng Mega Lotto 6/45 habang nasa P48 milyon naman ang Grand Lotto 6/55. Bobolahin ang mga naturang lotto game ngayong Miyerkules ng gabi, 9 PM.

May be an image of text that says 'NLT ANO ANT٢ CGO JACKPOT ESTIMATES WEDNESDAY DECEMBER 6, 2023 GRAND LOTTO 6/55 MEGALOTTO 6/45 NATIONAL LOTTERY PHP 15 MILLION PHP 48 MILLION'