Walang kiyemeng nakipagbardagulan ang ina ng kontrobersyal na Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa isang basher na nagtanong sa kaniya kung paano raw ba niya pinalaki ang anak.

Nag-post kasi sa kaniyang Instagram ang madir ni Blythe kasama ang coach sa swimming.

"⁣So much hatred in the net these days. We turned into [a] bunch of savages. Spread all that hate and lies, these negativity will not break my spirit."

"I am thankful for being alive, my kids and my mom being healthy. I'm surrounded by people with so much love and compassion. Hate is baggage, life is too short to be angry all the time. I may not be getting the numbers that I'm aiming but I shall compete again tomorrow, I will finish this competition, bahala kayo dyan lahat magkagulo."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Komento ng isang netizen, "Papano mo kaya pinalaki si Andrea no?"

“Paano? Napagtapos niya sa school mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, anong ambag mo sa mundo?”

Hanggang ngayon, wala pa kasing sey ang kampo ni Andrea tungkol sa mga isyung pumapalibot sa kaniya kaya patuloy na kinukuyog siya ng bashers.