Nakahanda na ang France na sumali sa joint maritime patrol sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng namumuong tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito ang ipinahayag ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nitong Miyerkules kasunod na rin ng pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner, Jr. na marami pa ring bansa ang nagnanais na magsagawa ng air and sea patrols, kasama ang tropa ng Pilipinas.

“So far, under my comprehension, we were ready to (do so). So, it might not really be us that would need the framework,” pahayag ni Fontanel sa mga mamamahayag sa ginanap na press conference sa Makati City.

"We have always been told by the Philippines that the Philippines would need under your Constitution the agreement,” ani Fontanel kung saan tinutukoy ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng dalawang bansa.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Hinihintay na lamang ng France at Pilipinas ang go-signal nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at French President Emmanuel Macron upang masimulan ang pag-uusap kaugnay ng VFA.

PNA