Umiiwas si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards na magbigay ng pahayag sa hiwalayan nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Disyembre 5, pinuri ni showbiz columnist Cristy Fermin si Alden.

“Napakaganda naman ng ginagawang ito ni Alden Richards. Sa halip na magsalita at magkomento, binibigyan niya ng espasyo sina Kathryn at Daniel,” saad ni Cristy.

“Pinakatama po ‘yang desisyon ng isang tao kung ayaw mo talagang madawit ka at ika’y pagbintangan ng kung ano-anong sawsawera, pabibo, at kung ano-ano pa,” aniya.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Dagdag pa niya: “Diyan mo makikita kung papaano pinalaki ang isang personalidad.”

Matapos kasing kumpirmahin nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan, may ilang netizen na siniship ang huli kay Alden.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

Matatandaang nagkatrabaho sina Alden at Kathryn noong 2019 sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” itinuturing na highest-grossing movie sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino matapos kumita ng ₱880.6M sa takilya.

MAKI-BALITA: Kathryn at Alden, magtatambal sa pelikula