Sa kabila ng ingay ng mga isyu ng hiwalayan sa mundo ng showbiz, going strong naman ang relasyon ng social media personalities na sina Whamos Cruz at Antonette Gail.

Sa isang Facebook post ni Whamos kamakailan, nag-upload siya ng mga larawan kasama si Antonette.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“‘Wag kayong mag-alala nandito pa kami,” sey ni Whamos sa caption.

Matatandaang binasag na nina Kathryn at Daniel ang kanilang katahimikan hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” ani Kathryn kay Daniel sa kaniyang Instagram post.

Maki-Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

Maki-Balita: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Samantala, samu’t saring reaksyon naman ang nakuha ng post mula sa netizens.

“…stay strong walang titibag sa samahan u kahit na raffy tulfo pa kayo”

“Basta walang magloloko”

“Maghiwalay din kayo pag wla ka Ng Pera.”

“Pag kayo dalawa naghiwalay, di na talaga ako bibilib sa forever.”

“Wag ka mag alala d naman kayo kathniel para ma hurt kame kapag naghiwalay kayo...Si Whamos lng bet ko sa whamonet”

“Walang nag aalala”

“Trust ,honesty and prayer are the best weapon.”

“Huwag nyo na Po abotin ng 11years magpakasal na kayo”

“Whamonett talaga ang loyal ngayon”

“Hanggat may pera ka hindi kayo maghihiwalay”

“Aba syempre mahiya kanaman kung magloloko kapa”

“Tigas na lang ng panga mo kung magloloko kapa”

“masyado ka namn maangas pag nagloko kapa.”