Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, Disyembre 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:34 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 44 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Intensity IV sa Bayabas, SURIGAO DEL SUR.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - City of Tandag, SURIGAO DEL SUR

Intensity I - City of Bislig, SURIGAO DEL SUR; City of Cabadbaran, AGUSAN DEL Norte

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.