Umabot sa 1,109 daycare students ang nabiyayaan ng libreng sapatos ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Martes.

Si Zamora ay namigay ng mga libreng leather shoes sa daycare students, na nagkaka-edad ng 4-6 taong gulang, at naka-enroll sa mga public daycare students na pinatatakbo ng city government.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Bilang bahagi ito ng selebrasyon ng  ika-46 taong kaarawan ng alkalde.

Isinagawa ang aktibidad sa San Juan Gym dakong alas-9:45 ng umaga.

“I am so happy to be partnering with World Balance and EasySoft and so grateful for them for allowing me to share more blessings to our Kabataang San Juaneño especially on my birthday,” pahayag ni Mayor Zamora.

Ang naturang birthday shoes distribution ay isa lamang sa maraming programa na inihanda ni Zamora para sa kanyang kaarawan.

Noong Disyembre 2, nagsagawa ang alkalde ng birthday bloodletting program at libreng pneumococcal at flu vaccination sa mga senior citizens at persons with comorbidities.

Ang mga blood donors ay tumanggap ng mga gift bags bilang pasasalamat sa kanila.