May pahayag ang direktor na si Darryl Yap tungkol sa kasunod na magiging jowa nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa Facebook post ni Darryl nitong Linggo, Disyembre 3, sinabi niya na hindi umano mapapanatag ang susunod na jowa nina Kathryn at Daniel.

“Ang hirap din nung susunod na makakarelasyon nina Kathryn at Daniel; bago makahinga mga yun kailangan muna nila maka 12 years para mapanatag,” saad ni Darryl.

Dagdag pa niya: “Ang makakaintindi lang ay yung may mga tumagal na relasyon.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sumang-ayon naman ang mga netizen sa sinabing ito ng direktor. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

True po Direk🥺”

“Tama po direk. ☺️”

“Tamaaaaa hirap kya kya umibig ahad agad😁😁😁😁”

“Mismo!👌🏻”

“ay oo lalo n kung firstlove😁”

“Trueee hahahahah”

“yeeeeeeees true”

“Agree 👍”

“💯 Tama”

Matatandaang kinumpirma na nina Kathryn at Daniel ang balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Pero bago sila nagkahiwalay, 11 taon silang nagkasama bilang mag-couple. Nagsimula umano ang kanilang relasyon noong 2012.

MAKI-BALITA: ‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon