Nangako ang House of Representatives na tutulungan ang mga lugar na napinsala ng 7.4-magnitude na lindol sa Surigao del Sur kamakailan.

Paliwanag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hinihingi na nila ang tulong ng mga concerned agency upang matiyak ang mabilis at malawakang pagbibigay ng suporta sa mga nilindol sa lalawigan.

“With deep concern and solidarity, we stand with the people of Surigao del Sur in the aftermath of last night's powerful earthquakes. These events have brought significant challenges, and our hearts go out to all those who have been affected,” anang kongresista.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Binigyang-diin ng kongresista ang kapakanan at kaligtasan ng mga apektadong pamilya.

"We will work tirelessly to address their needs during this critical time,” pahayag pa ng mambabatas.

 

PNA