Maging si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay tila hindi napigilang mag-react hinggil sa tagal ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Mas matagal padin magawa ang MRT 7 kaysa sa 11 years ng kathniel,” hirit ni Guanzon sa isang Facebook post noong weekend.

Pinatutungkulan ni Guanzon ang 22.8-kilometrong MRT-7 mula San Jose del Monte, Bulacan hanggang sa North Triangle Common Station sa North Avenue, Quezon City.

Bagama’t taong 2017 daw nang teknikal na magsimula ang konstruksyon ng naturang MRT, 2004 pa umano nang aprubahan ang naturang proyekto.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Nakatakda naman umanong maging bukas ang MRT-7 sa 2025.

Samantala, sa hiwalay na Facebook post ay may hirit din si Guanzon tungkol naman sa kaniyang National ID.

“Aabot din kaya ng 11 years bago dumating ang National ID ko?” aniya.

Nangyari ang naturang mga hirit ng dating Comelec commissioner matapos kumpirmahin ng KathNiel kamakailan na natuldukan na nga ang 11 taon nilang relasyon.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Kaugnay nito, matatandaang ibinahagi rin ni Guanzon sa isang Facebook post kamakailan na naglaan daw siya ng isang day-off para sa kaniyang mga staff na nalulungkot umano sa hiwalayan ng KathNiel.