May pahayag ang direktor na si Darryl Yap sa kaniyang mga tagasubaybay tungkol sa hiwalayan.

Sa Facebook post ni Darry noong Sabado, Disyembre 2, sinabi niya na dapat lang umanong irespeto ang mga naghihiwalay.

“Talagang dapat nating irespeto ang naghiwalay, lalo na kung matagal na silang hiwalay pero nagtiis, nagtimpi at nagtyaga,” saad ng direktor.

Dagdag pa niya: “Habang nagmomove-on sila ay kailangan nilang maging sweet sa publiko, maging okay para makapagshoot ng serye at maging matatag para tuwing tatanungin ng mga tao ay handa silang magpanggap na maaayos ang lahat; yung pag-amin nila ay napakaginhawa sa kanila—we can only imagine the pain of faking everything and finally start healing, for real.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bagama’t walang binanggit na detalye kung kaninong hiwalayan ang tinutukoy, ipinost ni Darryl ang pahayag na ito ilang araw matapos kumpirmahin nina Kapamilya stars Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na totoong hiwalay na sila.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Nagbahagi rin ng kaniya-kaniyang reaksiyon ang mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Agree. For the sake of the people, the management, and the fans. Now it’s time for them to heal. 🫶🏽🙏🏻”

“Kaya direk Gawin mo na Yun pelikula na BAKIT LANG SA PINAS MAY LOVE TEAM Po?”

“Learn the art of self love.”

“So true Direk!”

“Agree”

“Yess Direk.@ lalong tumaas ang respeto ko lalo na sa babae🫶🏻”

"Wow, naliwanagan ako Direk❤️❤️❤️"

"Specially on the part of Kath.."

"yep! especially kay kath. i cant imagine na almost half of her life, nagspend sya ng oras , effort trust and love sa isang taong sinayang lng lahat.. di nya deserve 🥺🥺☹️ sobra! but now dat she finally realize her worth, i hope that God heals her brokeness .. give her more. courage to overcome evrything. i salute her for. being a strong woman 👏😊 ..."

Matatandaang bago mangyari ang break up, 11 taon silang nagkasama bilang mag-couple. Nagsimula umano ang kanilang relasyon noong 2012.

MAKI-BALITA: ‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon