May buwelta si showbiz columnist Cristy Fermin kay TV host-actress Karla Estrada sa pagpalag nito sa mga “mapanirang tao”.

Matatandaan kasing pinabulaanan ni Karla kamakailan ang kumakalat na art card kung saan tampok ang kaniyang larawan at pahayag tungkol sa anak niyang si Daniel Padilla. Binalaan din niya ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat na ito.

MAKI-BALITA: Karla, pinabulaanan kumakalat na pahayag tungkol kay Daniel

Pero sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Disyembre 4, sinabi ni Cristy na hindi na raw dapat pang ipag-ingay ang ganitong bagay.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Kumbaga sa aso, di ba, kahol ka nang kahol ‘di ka na paniniwalaan. Kasi ang aso kung mangangagat, ‘di na kikibo,” pahayag ni Cristy.

Dagdag pa niya: “Dapat ‘di na niya sinasabi ‘yan. Talagang may mga maglalabasan. E, nagkahiwalay ‘yung anak niya saka si Kathryn Bernardo, natural may mga kung ano-anong maglalabasan diyan.”

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma na nina Kathryn at Daniel ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.  

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Pero bago sila nagkahiwalay, 11 taon silang nagkasama bilang mag-couple. Nagsimula umano ang kanilang relasyon noong 2012.

MAKI-BALITA:  ‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon