Viral ngayon sa social media ang umano'y inilabas na ₱100 coins ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

"Very low purchasing power. Pambili na lang ng ilang pirasong candy," bungad ng isang netizen.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"Parang ang bigat po sa bulsa kung may 10 100 coins," biro naman ng isa.

"For me it has some good benefits. It will lessen the production costs unless a new administration in the future will demonetize it earlier for a new one. Coins last longer. It will help Mother Nature by less cutting of trees for the paper money. Since the 100-paper -bill is still in circulation, ATM (Automated Teller Machine) is not needed for the 100 coins. The only disadvantage or advantage is the weight," dagdag pa ng isang netizen.

Noong 2022, kumalat din sa social media ang kahalintulad na post na nagsasabing pinalitan na ng ₱100 coins ang mga ₱100 bills na kaagad na pinalagan ng BSP na nagsabing nanatili pa rin sa sirkulasyon ang naturang perang papel.

Matatandaang naglabas ng commemorative coins ang BSP nitong Hunyo 5, 2023 para sa ika-125 anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas. Kabilang sa mga inilabas ang ₱100, ₱20, at ₱5 coins.

Idinagdag din ng BSP, ito ay para lamang sa paggunita sa kagitingan ng mga Pinoy na nakipaglaban sa puwersa ng Amerika noong Pebrero 4, 1899 para sa soberanya ng bansa.