Isang Grab driver ang nagsumbong sa programa ni Senador Raffy Tulfo matapos siyang maaksidente sa kalsada dahil sa diumano'y pambabangga ng driver ni "Black Rider" star Yassi Pressman.

Sa programang "Wanted sa Radyo," ibinahagi ni Raymart Guinto na ilang beses na niyang tinatawagan ang driver ni Yassi subalit hindi ito sumasagot.

Ang driver naman ay nagsabi na ipinangako sa kaniya ni Yassi na tutulong, ngunit 11 na araw na ang lumipas at hindi pa rin daw nagparamdam ang aktres.

Hindi umano siya nakakabiyahe dahil hindi pa napapaayos ang kaniyang sasakyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaagad namang nakipag-ugnayan si Yassi sa programa at personal na humingi ng paumanhin sa driver.

Giit ni Yassi, wala na sa kaniya ang driver na nakabangga kay Guinto dahil naka-trial lamang ito sa kaniya.

Nangako naman ang aktres na bibigyan niya ng ₱100,000 si Guinto bilang bayad-danyos sa nasirang sasakyan nito, at sa ilang araw na ring hindi pagbiyahe.

Nagpasalamat naman si Yassi kay Sen. Tulfo matapos maging tulay ang programa para maresolba ang isyu.