Nagbigay ng payo ang komedyanteng si Eugene Domingo o “Uge” sa kaibigang si Pokwang pagdating sa pakikipagrelasyon at pag-aasawa.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, hiningan ni Abunda si Uge ng maipapayo kay Pokwang kaugnay dito.

“Ang piece of advice ko lang sa kaniya, ‘wag siyang sumuko. Kasi ‘di naman totoo ‘yung sinasabi na ‘Kaya ko, kaya ko, ako lang mag-isa’. Darating at darating ang panahon na ‘yung dalawa mong anak, magkakaroon sila ng sarili nilang mga pamilya,” ani Eugene.

Dagdag pa niya: “Gusto ko–at siguro pati ng iba mong mga kaibigan—na may kasama ka rin. Importante rin na may kasama kang tatanda; mag-eenjoy sa buhay sa lahat ng pinagsumikapan mo. Mayroong totoong magmamahal sa ‘yo.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nagpasalamat naman si Pokwang sa payong ito ng kaniyang kaibigan. Sabi pa niya, pinagdadasal din naman daw niya ang mga nabanggit ni Eugene.

“Pinagdadasal ko rin naman ‘yan. Pero may kasama ako ‘di mo lang nakikita, buksan mo ang third eye mo,” biro pa ni Pokwang.

Samantala, sa parehong episode ng nasabing programa, naitanong naman kay Pokwang kung naniniwala pa rin umano siya sa kapangyarihan ng pag-ibig sa kabila ng hindi magandang karanasan niya sa dating jowa.

Matatandaang ipina-deport ni Pokwang ang American actor at dating partner niyang si Lee O’Brian noong Hunyo dahil umano sa naranasang abuso mula rito.

MAKI-BALITA: ‘Kaya bet ipa-deport!’ Pokwang ‘mentally abused’ na kay Lee O’Brian