Flinex ng Kapuso actress at dating miyembro ng "SexBomb Dancers" na si Rochelle Pangilinan ang pagbisita niya sa "Eat Bulaga!" sa GMA Network.

Madamdamin ang naging post ni Rochelle dahil "ibang" Eat Bulaga na ito dahil nga nag-ober da bakod na ang TVJ at iba pang original hosts sa TV5, na napapanood ngayon bilang "E.A.T."

Sinariwa ni Rochelle ang unang pagtapak niya sa stage ng EB noong nagsisimula pa lamang siya.

Sa kasalukuyan, kahit naapektuhan din siya ng paglipat ng TVJ sa ibang network ay nagpalipas muna siya ng ilang buwan para lamang makapag-guest ulit sa noontime show ng TAPE, Inc.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Twenty-eight years ago, ako unang tumuntong sa stage ng Eat Bulaga. Trese anyos pa lang ako nun pero naalalala ko pa yun hanggang ngayon," ani Rochelle.

"Nung lumipat ang TVJ at ang original Eat Bulaga hosts sa TV5, tulad ninyo, naapektuhan din ako at nasaktan."

"Sa araw na ito, aapak ako uli sa entablado ng Eat Bulaga. Iba na ang mga karakter sa paligid pero ang excitement at saya na nararamdaman ko ay tulad pa rin ng dati - sabik ako laging mag-perform nun sa Eat Bulaga kasama ang TVJ at ang dabarkads, sabik pa rin akong sumayaw sa bagong Eat Bulaga kasama kayo."

"Bilang pagtanaw ng respeto sa Eat Bulaga, TVJ at original Dabarkads, pitong buwan ang pinalipas ko bago pa man ako nangahas makapasok man lang sa bagong Eat Bulaga."

"May takot. May pag-aalinlangan. Pero kumakapit ako sa paniniwalang dahil gusto ko lang i-share ang talento kong ibinigay niya, ako ay tatanggapin ninyo."

Sinabi ni Rochelle na nagpaalam siya sa original Eat Bulaga hosts bago niya gawin ito.

"Nagpasintabi po ako sa original Eat Bulaga hosts and management bago ako umabot sa puntong ito."

"Magpapasalamat na rin ako sa mga aksamayan ko dati at naunawaan nyo ang pag guest ko ngayon."

"Bilang nanay na ako, nais kong ang mga kilos ko ay maipagmamalaki ng anak ko, ng asawa ko at ng mga mahal ko sa buhay. Maraming salamat sa inyong bukas na pag-iisip."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga pumuri kay Rochelle dahil sa pagpapakita niya ng respeto sa TVJ at sa iba pang mga naunang nakasama.

"Mabuting Puso at my pagtanaw pa din Ng utang na loob ..kaya nuon pa mam hanggang ngaun iniidolo kita wlang kupas ..Hindi kailanman ngmataas ....my mababang loob kaya mahal ka din Ng iyong tagahanga at Isa ako dun Rochelle Pangilinan."

"I love it!! Talagang walang kupas si Rochelle Pangilinan. Nice to see you again on EB stage."

"Nice one! Keep it up! God bless you more."

"wala kang kasalanan... enjoy basta alam naman nilang mahal mo lahat sila. Isama mo na ko lodi. Sexbomb- Rochelle legit fan here"

"Okay lang yan. Naiintindihan ka naman ng TVJ."

Sa kabilang banda, hindi pa rin maiiwasang may magsabing sana raw mas inuna na muna niyang mag-guest sa E.A.T. kaysa sa Eat Bulaga.

"Sa pitong buwan mong pinagisipan Bago mo tinangap ,napakabilis nman na ,maraming paraan para maibahagi mo Ang talento mo pera lang Ang dahilan para makalimot ka sa iyong pinagmulan."

"mas maganda guest ka dito guest ka doon. ganon. walang kinikilingan walang pinoprotektahan walang bahid ng kasinungalingan.. pagpapasaya sa taong bayan dabarkads at sa madlang pipol lamang.. charengg.. sige na po bigay na natin sa kanya ang gusto.. suportahan nlng natin ang bawat isa.. thnk u."

"Gusto kita Rochelle kc magaling ka pero Solid Dabarkads ako TVJ lng sapat na."

"Dapat mas inuna mong mag guest sa tvj bilang respeto, tunay na respeto."

"ok lng Yun Rochelle karapatan mo yan nauunawaan namin need mo rin ng work para sa pamilya at nauunawaan namin na need ng fakebulaga na gawin ang lahat para lng tangkilikin sila ng mga manonood.pero bilang respeto sa original na EAT BULAGA at TVJ eh hindi rin naman kami manonood sayo kaya good luck."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rochelle hinggil sa mga kuda ng netizens sa kaniyang pag-guest sa Eat Bulaga.