Isa sa mga nominadong "Loveteam of the Year" ng isang entertainment site-based award giving body ang tambalang "KathNiel" na kinabibilangan ng mag-ex partner na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ayon sa anunsyo noong Nobyembre 30 ng Star Magic.

"Proudly Tatak Star Magic! ✨"

"Cheers to KathNiel for their LIONHEARTV 9TH RAWR AWARDS NOMINATION as LOVETEAM OF THE YEAR! 👏🏻👏🏻"

"Your Star Magic family is rooting for your win!" mababasa sa congratulatory message ng Star Magic sa kanilang opisyal na Facebook page.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Bukod sa Kathniel, nominado rin ang Kapamilya loveteams gaya ng "DonBelle" nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, "FranSeth" nina Francine Diaz at Seth Fedelin, "KDLex" nina KD Estrada at Alexa Ilacad, "LoiNie" nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, "SeVen" nina Sean Tristan at Raven Rigor, at "ZaCham" nina Zach Guerrero at Seham Daghlas, at "KyDrea" nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes.

Kaya maraming nakaabang kung sino ang tatanghaling "Loveteam of the Year" lalo't sa kaparehong date ay pormal at opisyal nang inanunsyo ng KathNiel na totoo ang mga kumakalat na tsikang hiwalay na sila.

Magsasara ang botohan para sa lahat ng kanilang mga parangal sa iba't ibang kategorya sa Disyembre 4.