Naging maganda ang unang laro ni LA Tenorio mula nang magka-cancer 10 buwan na ang nakararaan matapos pataubin ng Ginebra ang Terrafirma Dyip, 110-99, sa PBA Season 48 Commissioner's Cup nitong Linggo ng gabi.

Kumubra si Tenorio ng anim na puntos, isang rebound, tatlong assists at isang steal sa 25 minutong paglalaro.

Dahil sa pagkapanalo ng Gin Kings, umangat ang baraha nito sa 4-1 panalo-talo.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nasa ikatlo sa team standing ang Gin Kings, kasalo ang Meralco Bolts. 

Nakakolekta naman ng 26 puntos si Ginebra import Tony Bishop, bukod pa ang 11 rebounds, apat na assists, dalawang steals at isang block.

Naka-double-double naman si Christian Standhardinger sa naipong 24 puntos at 10 rebounds.

Pumitas naman si Japeth Aguilar ng 19 puntos at pitong rebounds.

Matatandaang nasuring tinamaan ng Stage 3 colon cancer si Tenorio nitong Pebrero at sumailalim sa anim na buwang gamutan sa Singapore.