Pumalag ang social media personality na si Bea Borres sa mga netizen na umuurirat sa kaniya matapos ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matatandaan kasing nadadawit ang pangalan ng best friend niyang si Andrea Brillantes sa nasabing hiwalayan matapos itsika ni showbiz columnist Ogie Diaz na palihim umano itong nakikipagkita kay Daniel.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Sa video na in-upload ni Bea sa kaniyang TikTok account kamakailan, sinagot niya ang komento ng isang netizen kung bakit daw siya tahimik sa isyu ng hiwalayan ng KathNiel.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Mag-asaran tayo dito. Wala kayong makukuha sa akin,” saad ni Bea.

Dagdag pa niya: “Noong ako salita nang salita gusto n'yo manahimik ako. Sasabihan n'yo akong sawsawera. Tapos ngayong nanahimik ako kung ano-ano pa rin ang sinasabi n'yo.”

Tila kataka-taka raw kasi ang nananahimik ni Bea sa isyung ito samantalang kilala umano siyang “sawsawera” kapag nasasangkot si Andrea sa mga intriga. 

Sa katunayan, tila pinasaringan ni Bea ang ex-boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero noong isapubliko nito ang relasyon kay beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

Nagkaroon daw kasi ng romantic involvement si Leren kay Ricci habang jowa pa ng huli si Andrea.

MAKI-BALITA:  Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero