Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:37 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 42 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 8 kilometro.

Itinaas ang Intensity V sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR at City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE.

National

Sonny Matula, pinakakansela kandidatura ni Apollo Quiboloy

Inihayag ng Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.