Matapos ang pasabog na kumpirmasyong hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas sumikat bilang "KathNiel" ay muli na namang umusbong ang tsikang mas nauna pa raw maghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil o "LizQuen" sa kasagsagan ng pag-alis ni Liza sa Star Magic at ABS-CBN para subukin ang kapalaran ng career sa ibang bansa.

Usap-usapan kasi na sa isang panayam daw ay nasabi na ni Liza na wala na umano sila ni Quen.

Ngunit binalikan ng mga netizen ang video clips ng panayam kay Enrique nang magbalik siya sa Pilipinas para mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN noong Abril.

https://twitter.com/superlizquen/status/1727834944972709925

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa eksklusibong panayam naman kay Quen ng ABS-CBN News noong Hulyo 12, sinabi nitong maayos ang relasyon nila ng aktres.

"We are good, we are good,” aniya.

Sadyang busy lang daw sila ni Liza sa kani-kanilang mga proyekto.

“I am busy with all my projects. She is busy with all her projects naman. She is focusing on international work, which is super good for her. Kahit super busy kami, we still support each other no matter what,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, nagsalita tungkol sa tunay na estado nila ni Liza Soberano