Flinex ng gurong si Neil John Diaz, 28, mula sa Kabankalan City, Negros Occidental ang pagkamalikhain ng kaniyang mga estudyante matapos gumawa ang mga ito ng fashion designs gamit ang natural resources tulad ng butil ng mais at balahibo ng manok. 

“My students never fail to amaze me… Never underestimate the power of improvisations, especially when brilliant minds do it. ❤️,” ani Diaz sa kaniyang Facebook post.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Diaz na ang kaniyang first year at second year students sa Environmental Science sa Central Philippines State University–Cuayan Campus ang gumawa ng mga kamangha-manghang fashion designs.

“Bale po project lang po siya, output po nila for Midterms. Pero I introduced the project to them po like a Design Challenge, just to excite them a little,” kuwento ng guro sa Balita.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Binigyan daw niya ang kaniyang mga estudyante ng ilang linggo para sa project, kung saan ang rule daw ay gamiting materyal ang mga likas na bagay at gamitin ito para gawing “outfit” ng na-assign sa kanilang “model.”

Si Diaz naman daw mismo ang nag-sketch sa mga nagsilbing modelo ng kaniyang mga estudyante.

Ayon pa sa guro, dati pa siyang nagpo-post ng kaniyang artworks sa social media, at masaya raw siyang i-share ang naturang sining ng kaniyang mga estudyante.

“I feel so proud of them po. Nakakataba po ng puso seeing them so proud of their works,” ani Diaz.

“I'd like to congratulate them po for a job well done. I know nakakapagod minsan mag-aral dahil tambak ‘yung lessons to study and projects. Pero I hope that this Design Challenge was able to make them feel na some projects can be enjoyable and fulfilling at the same time. Laban lang,” saad pa niya.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!