Agad na nag-X post ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio matapos madawit sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa kumakalat kasing convo screenshots sa social media, si Gillian ang itinuturong "nakatikiman" daw ni Daniel. Nakarating daw sa kaalaman ni Kathryn ang nangyari dahil daw kay Sue Ramirez, na nagkuwento naman kay Sofia Andres.

Tungkol daw ito sa size ng sensitibong bahagi ng katawan ni DJ kaya nagtaka raw si Kath kung bakit nito nasabi o nailarawan, nakakaloka.

Kaya sa kaniyang X post nitong Disyembre 1 ay agad na pinabulaanan ni Gillian ang involvement niya rito.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

"Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo. Bigyan naman po natin sila ng respeto," mababasa sa X post ng aktres na nakasama ng KathNiel sa nagtapos na seryeng "2 Good 2 Be True" at nakasama naman ni Kath sa pelikulang "A Very Good Girl."

https://twitter.com/gasvicencio/status/1730604689690087671

Bago nito, nagsabi na rin ang showbiz news insider na si DJ Jhaiho na huwag na sanang kaladkarin ang pangalan sa isyu dahil wala raw itong kasalanan.

MAKI-BALITA: DJ Jhaiho sa pagdawit kay Gillian Vicencio: ‘Alam ko kung sino kang nagpapakalat ng chika’

Kinukuyog na kasi sa social media si Gillian lalo na sa comment section ng kaniyang Facebook at Instagram accounts.