Nagsalita na ang kilalang chiropractor-content creator na si Dr. Tyler Bigenho hinggil sa kumalat na sensitibong video niya sa social media.

Bago pa man pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan ng KathNiel ay nasa trending topic list na sa X si Doc Tyler.

Makalipas ang ilang araw ay naglabas na rin ng pahayag ang doktor sa pamamagitan ng kaniyang FB reels.

"People are mean. Appreciate all the support from everyone," aniya sa caption.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa kaniyang video, sinabi ng chiropractor na nakakaranas siya ng blackmail at extortion.

"Over the past week I have been the victim of blackmail and extortion over social media, and it's been probably the worst week of my life. And I wanna thank everybody who knows about the situation, who has reached out and offered words of support and encouragement, I really appreciate you, thank you so much."

"It's really hard and I've never gone through like this before, I can't say much more than that, because there are high-level authorities involved in this case..."

Bagama't hindi inamin o itinangging siya nga ang nasa video, sinabi ni Doc Tyler na mananatili pa rin siya sa kaniyang mga ginagawa, subalit huwag daw magtaka ang kaniyang mga tagasuporta kung mawawala siya ng ilang araw sa mga paparating na linggo, dahil tila may mga kailangan siyang ayusin.

Sana lamang daw ay respetuhin din muna ng mga tao ang kaniyang privacy.

Marami naman sa mga netizen ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Doc Tyler.

"Hello Dr.Tyler we’re here for you and don’t mind them,we support you we love you big hug 🫂 take care always!"

"Luv you Dr. keep going. Jealousy always comes to people who do good. Be blessed."

"We will still support you doc no matter what!"