Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang screenshot ng pag-uusap nila ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda patungkol sa blind item niya sa isang umano'y lalaking artista na nabooking ng isang international singer, nang bumisita raw dito sa Pilipinas.

Ang terminong "booking" ay ginagamit kapag may transaksyon sa isang usapang "one night stand" na may kapalit na halaga.

Pero sey naman ni Darryl malay raw ba natin kung anong ginala nila!

"Basta, may alam akong lalakeng artista na nabooking ng international singer na pumunta dito sa bansa kamakailan lang. nagcheck-in sila. 2 nights. parang 1M per night. pero malay naman natin kung ano’ng ginawa nila, baka nagkantahan lang sila ng 'unholy,'" sey ni Yap sa kaniyang FB post noong Linggo, Nobyembre 26.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod dito, nagbigay pa ng ibang clues si Yap sa pagkakakilanlan ng pa-booking na artistang lalaki at international singer.

"CLUE SA NABOOKING NG INTERNATIONAL SINGER: may kaapelyidong singer."

"Next Clue: Hindi sya Kapamilya."

"LAST CLUE: kapag nacompute mo sa 'FLAMES' ang pangalan ni INTERNATIONAL SINGER at HINDI KAPAMILYA ACTOR, “E” ang lalabas… E as in EKEDE, EKEDE MENELE."

Marami naman sa mga netizen ang naglabas ng kani-kanilang hula kung sinong "Hindi Kapamilya" actor ang tinutukoy ni Yap. Isa sa mga pangalang lumutang nga ay si Kelvin Miranda. Bagay na inalmahan naman ng Kapuso actor na bibida sa spin-off ng Encantadia na "Sang'gres."

Nakakaloka dahil sa live daw na ginawa ni Kelvin ay agad niyang nilinaw ang tungkol sa bagay na ito.

Mababasa ang statement daw ni Kelvin sa isang fan-page na nakapangalan sa kaniya.

"Kaniya-kaniya naman 'yan. Nirerespeto ko naman lahat ng ano, kung papaanong tinatanggap ng mga tao 'yong mga ganiyang bagay. Feeling ko naman, hindi naman galit 'yon si Direk Darryl Yap sa akin. Hindi naman siya nag-drop name or nagbigay ng ano... 'Yong mga tao talaga nagbibigay ng pangalan ko. Hindi ko naman sila kilala 'di ba? Hindi rin naman nila ako kilala," mababasa sa mga kumakalat na pubmat.

Noong Nobyembre 29, ibinahagi naman ni Yap ang pag-uusap nila ni Miranda sa pamamagitan ng direct message.

Ayon kay Kelvin, nagulat na lang siya nang i-tag siya ng mga netizen at hinulaang siya raw ang nabanggit na aktor na pa-booking. Nanahimik daw siya kaya ganoon na lamang ang gulat niya.

Anyway, hindi naman kinumpirma ni Yap kung sino ba talaga ang tinutukoy niyang hindi Kapamilya actor na nagpa-booking nga sa isang international singer.

MAKI-BALITA: Kelvin Miranda, nag-react daw sa ‘pa-booking blind item’ ni Darryl Yap