Matapos ang hiwalayang Kathniel Bernardo at Daniel Padilla, hindi naiwasan ng ilang fans na balikan ang mga pelikula ng dalawang celebrity couple. 

Nadawit tuloy ang pag-arte ni Kapamilya singer-actor Darren Espanto.

MAKI-BALITA: ‘The Hows of Us’ muling sinariwa ng netizens

Sa X post ni Darren nitong Biyernes, Disyembre 1, humingi siya ng paumanhin sa dalawang netizens na hindi nagustuhan ang kaniyang performance sa “The Hows of Us.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

https://twitter.com/Espanto2001/status/1730557460409430381?fbclid=IwAR2WGo7nDdI8XoIX3VtGIwbiqIh6iJOxY3HFD18AzELXoMfetD7aYlTd6d8

“Sorry na. Aminado naman ako, wala nga akong workshops bago isalang sa ‘The Hows Of Us’ eh,” saad ni Darren.

“Pero pramis, bumawi ako sa ‘Lyric & Beat’ at ‘Can’t Buy Me Love’. Si Direk Cathy na nagsabi. Wag na kayo magalit,” pasubali niya pa.

Nagbahagi naman ang mga netizen ng kani-kanilang reaksiyon kaugnay dito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Yes. What an acting! Keep it up”

“Pero favorite talaga kita as Gary V at Erik Santos. Yun talaga, itataga ko sa bato, pang-award-winning ka doon!”

“Beee, okay acting mo dun. Nakakainis yung role mo haha ang kulit mo e. Nagbalikan pa tuloy yung dalawa kaka-Netherlands mo 😂”

“Direk Cathy na 'yan! So proud of you, D! Walang halong echos pero kitang kita namin growth mo as an actor! 💚”

“that's my boy! minsan palag din pag mejo below the belt na... ayaw namin naagrabyado ka... 💪💪💪”

“Who u kayo pag yan mahasa si Darren sa acting!”

“What I like about Darren is his humility. He knows how to accept criticisms, and he works hard to do better. His improvement is evident in LAB and CBML. Don't stop learning, Darren. Continue honing your skills. Your talent and good attitude are the reasons why you are successful”

“grabe naman kayo kay darren 😭 oo darren ang galing mo na sa can’t buy me love! 👏🏻”

“Aww kaya lodi ko talaga si Darren e hahah apakahumble hngnng”

Ginampanan ni Darren sa nasabing pelikula ang karakter ni “Yohan Reyes”. Siya ang kapatid ni “George” na ginampanan naman ng karakter ni Kathryn.