Nakauwi na sa bansa ang 14 sa 25 Pinoy seafarers na nakaligtas matapos tamaan ng missile ng Russia ang sinasakyang barko sa Black Sea, Ukraine nitong nakaraang buwan.

Ang mga Pinoy seaman na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 1 nitong Sabado ng madaling araw ay sinalubong ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sinagot ng manning agency ng mga tripulante ang kanilang gastos sa pag-uwi sa pag-uwi sa Pilipinas.

Sakay ng kanilang barkong KMAX RULER ang mga naturang Pinoy habang sila ay dumadaong sa Odesa, Ukraine nitong Nobyembre 8 nang tamaan ng missile na pinakawalan ng Russia.

Nasawi sa pag-atake ang isang harbor pilot habang nasugatan naman ang tatlong iba pang tripulanteng Pinoy na nauna nang nakauwi sa Pilipinas at kapiling na ang kani-kanilang pamilya.