Tila may bago na namang nasagap na balita si showbiz columnist Cristy Fermin tungkol kay TV host Willie Revillame.

Sa isang episode kasi ng “Showbiz Now Na” noong Huwebes, Nobyembre 30, sinabi ni Cristy na may ino-offer umanong bago kay Willie bilang host.

“Gaano katotoo ang balita na, ’di ba, may nagho-host din ng pagbola ng lotto?” saad ni Cristy.

Sey tuloy ng co-host niyang si Romel Chika: “Parang mapupunta lang si Kuya Will sa pagbobola ng bingo, parang ganoon?”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Parang ganoon. ‘Yung sa lotto, ‘di ba, umaakyat ‘yung bola tapos kukunin niya: “number 7’,” ani pa ni Cristy.

Hindi pa naman kumpirmado kung totoo ba talaga ang nasabing balita ayon kay Cristy. Hindi rin sigurado kung tatanggapin ni Willie ang ganoong trabaho kahit puwedeng-puwede naman daw siya rito.

Ang kaso nga lang, ayon kay Cristy: “Demosyon naman ‘yun, ‘di ba. Dati kang host sa isang kilalang-kilalang show sa mga kilalang istasyon tapos mapupunta ka naman sa bolahan ng lotto. Ano ba naman ‘yun?”

Matatandaang kamakailan lang ay itsinika rin ni Cristy na hindi na raw talaga matutuloy pa ang show ni Willie sa dalawang government channels. 

MAKI-BALITA: Show ni Willie Revillame sa government channels, ‘di na talaga tuloy?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Willie hinggil dito.