Puwedeng tamaan sa lotto ngayong unang araw ng Disyembre ang tumataginting na ₱180 milyon, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, papalo sa ₱180 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 habang nasa ₱8.9 milyon naman ang Mega Lotto 6/45.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“Tiyak magiging Merry ang Pasko kapag mapapanalunan ang mga papremyo ng PCSO. Ayain na buong pamilya, kaibigan at katrabaho, sumugod na sa mga lotto outlets at bumili ng mga tickets ninyo,” saad ng ahensya.

Nauna na ring sinabi ng PCSO na sa halagang ₱20 ay puwede nang maging instant milyonaryo.

May be an image of text that says 'ANO AATD CHC JACKPOT ESTiMATES FRIDAY DECEMBER 1, 2023 MEGALOTTO 6/45 NATIONAL LOTTERY PHP 8.9 MILLION ULTRA OTT06/58 PHP 180 MILLION'