"Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin sa susunod na habang buhay…”

Mas naging malalim daw ang atake ng official music video ng hit song ng Ben&Ben na “Sa Susunod na Habang Buhay,” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, matapos ang breakup ng long-time celebrity couple.

Matatandaang nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30, nang magkasunod na nag-post sina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang Instagram account para basagin ang mga speculation at i-confirm na natuldukan na nga ang 11 long years nilang pagsasama.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” mensahe ni Kathryn kay Daniel sa kaniyang post.

Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

https://balita.net.ph/2023/11/30/daniel-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-kathryn/

Dahil sa malungkot na balitang ito, muling dinagsa ng KathNiel fans ang in-upload ng Ben&Ben 2 years ago na official music video ng “Sa Susunod na Habang Buhay,” kung saan 18 million na ang views nito sa ">YouTube.

Narito ang ilang recent comments ng netizens sa music video ng “Sa Susunod na Habang Buhay” matapos ma-confirm ang breakup ng KathNiel:

“Never thought this song and the mv hits deep right now. mahigpit na yakap sa lahat. Thank you kathniel! mahabang panahon bago mag heal ang lahat pero patuloy kayong susuportahan. Salamat sa higit isang dekadang pagbabahagi ng kwento ng inyong pagmamahalan. Grow and heal, kathniel. Unti the next lifetime.”

“It hits differently now:< Thank you Kathniel❤️ Isang mahigpit na yakap para sa lahat🥺.”

“Isang mahigpit na yakap para sa lahat! Salamat sa labing-isang taon KathNiel, susuportahan pa rin kayo ngayon at Sa Susunod na Habang Buhay 💙💛.”

“Di man ako KathNiel fan pero nag iba na tong kantang to ngayon. Napakasakit pero kailangang umusad para sa kapakanan ng bawat isa. Salamat sa 11 years KathNiel nawa’y gabayan kayo sa inyong tatahakin 🙏🏻.”

“I'm not a Kathniel fan, but this breaks me. Mahigpit na yakap sainyong dalawa lalo na sa'yo, Kathryn. You have done enough, and it's time to love yourself more 💙💙💛💛.”

“Kathniel kayo yung definition namin ng forever at magpakailanman 🥺 kayo yung love team na tinutukan namin for 11 years. Kayo yung inspiration namin. Kayo yung kahit sa simpleng gesture niyo lang napapasaya na kami. Kayo yung love team na minahal at mamahalin namin. Di namin malilimutan ang tambalan niyo. Hiling lang namin ang masaya at healing para sa inyo dalawa. Maraming marami salamat KATHNIEL. MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO❤😢🥺😭.”

“Hugs Kathniel💖 Time will heal all wounds. May chance pa. And I believe kayo pa rin sa susunod na habang buhay😘.”