Nagbahagi ng sentimyento ang TV Patrol resident showbiz forecaster na si Gretchen Fullido matapos ang hiwalayan nina Kapamilya star Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Tuluyan na kasing tinuldukan nina Kathryn at Daniel ang umuugong na isyung hiwalay na umano silang dalawa matapos nila itong kumpirmahin sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sa Instagram post ni Gretchen nitong Huwebes, Nobyembre 30, sinariwa niya ang kaniyang mga interview kina Kathryn at Daniel sa loob ng mahigit isang dekada.

“Always a joy interviewing #KATHNIEL thru the years — 12 years as a love team & 11 years as a real life couple,” saad ni Gretchen. 

At nang ianunsiyo umano nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan, iyon umano ang isa sa mga pinakamahirap at pinaka-emosyunal na news items na iniulat niya.

“I have to admit, in my 13 years anchoring for Star Patrol on TV Patrol, the news about their break up is one of the most difficult & emotional news items that I had to read live in the newscast 😢 Not to mention that it was 7 pages long,” aniya.

Sa huli, dalangin ni Gretchen na makamtan nina Kathryn, Daniel, at ng buong Kathniel fans ang paghilom at paglago mula sa pangyayaring ito.