Hindi na raw magtataka si DJ Jhaiho kung bakit lumabas ang umano’y fake news tungkol kina Gillian Vicencio at Daniel Padilla.

Hot topic ngayon sa social media na si Gillian daw ang umano'y dahilan kung bakit naghiwalay sina Daniel at Kathryn Bernardo.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Pinuputakti tuloy ng netizens ang Instagram account ni Gillian at nag-iiwan ng mga hindi magagagandang komento.

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio, kinuyog ng KathNiel fans

Kaya sa X, inispluk ni Jhaiho na kilala niya kung sino ang nagpapakalat ng chika.

“Sa totoo lang hindi na ako magtataka kung bakit lumabas tong ka FAKE NEWSan na dinadawit si GILLIAN. Ayyy dzaiiiiiii TIGILAN niyo,” aniya.

“Alam ko kung SINO kang nagpapakalat ng CHIKA na to! WAG KA NA MANDAMAY pa!”

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1730319385267720280

Sinabi rin ni Jhaiho sa isa pang X post na tantanan na si Gillian. Bukod pa rito, ang galing daw ng bagong narrative ng mga ipinapakalat na fake news.

“TANTANAN si GILLIAN na walang kaalam alam dinadamay pa sa ganito!!!!” aniya.

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1730321563625693677

“ANG Galing ng bagong narrative ha Same na same kung paano nakarating saakin!!!!!!! As in VERBATIM!!!!! tigilan niyo si GILLIAN!!!!”

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1730321852214768016

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Gillian tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya.

Matatandaang binasag na nina Kathryn at Daniel ang kanilang katahimikan hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” ani Kathryn kay Daniel sa kaniyang Instagram post.

Maki-Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

Maki-Balita: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn