Inaasahang patuloy na makaaapekto ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa ilang bahagi ng bansa ngayong Biyernes, Disyembre 1, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magkaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan sa Aurora, Isabela, Apayao, Batanes, and Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands bunsod ng amihan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na ulan.

Inaasahan din umanong magdulot ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated light rains sa Ilocos Region, mga natitirang bahaig ng Central Luzon, mga natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

National

PBBM, matatalo raw sana ni ex-VP Leni kung ‘di dinala ni VP Sara mga Bisaya

Wala naman umanong matinding epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Samantala, ayon pa sa PAGASA, malaki ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms at ng easterlies o ang mainit na hanging nanggagaling umano sa karagatang Pasipiko.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala umanong binabantayan ang PAGASA na low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Maliit din umano ang tsansang may mabuong bagyo sa PAR sa mga susunod na araw.