Nagpahayag ng pagsuporta si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa naging hakbang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ibasura ang apela ng dating hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit na si Lt. Col. Mark Julio Abong kaugnay ng pagkakasangkot sa hit-and-run na ikinasawi ng isang tricycle driver sa lungsod noong 2022.

"We are grateful to the DILG and to Secretary (Benhur) Abalos for upholding the decision made by the PLEB (People’s Law Enforcement Board). It reflects the firm resolve of the national government to respect the check and balance mechanism against erring policemen, as created by the DILG Act of 1990 and amended by the PNP Reform and Reorganization Act. This decision also proves that the QC PLEB rendered a just and fair decision," anang alkalde sa Facebook post ng Quezon City government.

Bukod sa pagbasura sa nabanggit na apela, inatasan na rin ni Abalos si Philippine National Police chief, Gen. Benjamin Acorda, Jr. na maglabas ng implementing order kaugnay ng rekomendasyon ng QC-PLEB nitong Marso 21, 2023 na sibakin sa serbisyo si Abong.

Atty. Claire Castro, wala sa hinagap maging PCO Undersecretary

Sa rekord ng kaso, ang insidente ng hit-and-run ay naganap sa Anonas St., Quezon City noong Agosto 22, 2022 na ikinasawi ng driver na si Joel Larosa at ikinasugat ng pasahero nito.

Nauna nang naglabas ng resolusyon ang QC Prosecutor's Office na nagsasabing may sapat na ebidensya upang litisin ang kaso laban kay Abong kaugnay naman ng panunugod at pagpapaputok ng baril sa isang bar sa lungsod nitong Nobyembre 26.

"No one is above the law. Hindi natin kukunsintihin kailanman ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan, lalo na ng.mga naatasang magpatupad ng batas. Tungkulin natin sa bayan na tiyakin ang kaligtasan ng lahat, at hindi ang maging instrumento ng kaguluhan at karahasan," dagdag pa ng alkalde.