Magsasagawa ng nationwide motor vehicle registration caravan ang Land Transportation Office (LTO) upang mapagtuunan ng pansin ang 24.7 milyong unregistered vehicles sa bansa.

Binanggit ni LTO chief Vigor Mendoza II, layunin din ng caravan na mailapit ang serbisyo ng ahensya sa publiko.

National

4.6-magnitude na lindol, yumanig sa Masbate

“Madali nang malalaman ng ating mga opisyales ng barangay kung sinu-sino at ilan sa kanilang mga constituents ang hindi rehistrado ang mga motorsiklo at mga sasakyan. Kaya tayo po ay hihingi ng tulong sa kanila," anang opisyal.

Bahagi rin aniya ito ng mahigpit na implementasyon sa "no registration, no travel" policy ng ahensya.

"Sa pagsasagawa ng motor vehicle registration caravan, ipinapakita namin sa LTO na hindi lang kami puro enforcement,"

Karamihan aniya sa delinquent motor vehicles ay matatagpuan sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4-A (Calabarzon).

PNA