Umabot umano sa komprontahan ang eksena sa pagitan ng asawa ni Kapamilya actor Baron Geisler na si Jaime Evangelista at ng babaeng nali-link sa aktor.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Nobyembre 28, matatandaang nauna nang iulat ni showbiz columnist Ogie Diaz ang tungkol dito.

Nagsimula umano ang lahat nang mag-guest si Baron sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Hunyo.

MAKI-BALITA: Baron, may ibang babae sa GMA Network?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Bukod doon siyempre, umiinom-inom pa rin si Baron. Hindi pa rin talaga matanggal kay Baron ‘yun. Tapos, may mga maling statement daw si Baron patungkol sa kaniyang jowa. Na sinasabi ni Baron o binubukas ni Baron ang kaniyang puso tungkol sa kaniyang mga sama ng loob sa misis niyang si Jaime dito nga sa Kapuso person,” kuwento ni Ogie.

Dagdag pa ng showbiz columnist, aminado raw ang tinutukoy na Kapuso person na inlove na rin siya kay Baron at tanggap niya kung maging kabit man siya ng aktor.

“Pero ito ang nakakaloka,” sabi ni Ogie, “nagkausap si Jaime saka ‘yung Kapuso person. Tapos sa pag-uusap ni Jaime at Kapuso person, inisa-isa n’ong Kapuso person ‘yung mga sama ng loob ni Baron dito sa misis na it turned out ay nililinaw ni Jaime dito sa Kapuso person na ‘So naniniwala ka sa sinasabi ni Baron na ako ay ganoon?’”

Pero kalmado naman umano si Jaime nang mangyari ang komprontasyon. At naniniwala raw si Ogie na alam ni Jaime ang mga sinasabi nito.

“Kasi di ba kapag inuna mo ‘yung galit, minsan may gusto kang i-point out. Mayroon kang gustong i-push,” saad pa ni Ogie.

At kahit may dalawa na rin umanong anak si Kapuso person, tila balak pa rin nitong patulan si Baron dahil nabighani na siya sa aktor.

Sa katunayan, inalok pa umano ni Kapuso person si Jaime na siya raw ang magbabayad ng annulment nila ni Baron.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, reaksiyon, o tugon si Baron hinggil dito.