Pinagtibay na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkakasibak sa isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) kaugnay ng pagkakasangkot sa hit-and-run case noong 2022.
Eleksyon
Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD
Ito ay nang ibasura ng DILG ang apela ni Lt. Col. Mark Julio Abong na kumukuwestiyon sa inilabas na dismissal order ng Quezon City People's Law Enforcement Board (QC PLEB) dahil sa pagkakadawit nito sa nasabing kaso.
Sa 10-pahinang desisyong inilabas nitong Miyerkules ng gabi, hindi na binigyang ng bigat ng DILG ang apela ni Abong dahil sa kakulangan ng merito.
Nag-ugat ang kaso nang mabangga ng kanyang sasakyan ang isang tricycle noong Agosto 6, 2022 na ikinasawi ng driver na si Joel Larosa at ikinasugat ng pasahero nito.
“We Affirm the assailed Decision dated August 24, 2023 and Resolution dated September 22, 2023 of the Napolcom (National Police Commission) Regional Appellate Board National Capital Region (RAB NCR) First Division finding Abong guilty of three administrative charges classified as grave offense warranting a penalty of dismissal from service in the Philippine National Police (PNP),” sabi pa ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr.
PNA