Umabot sa 150 foreign registered sex offenders (RFOs) ang hindi pinapasok sa bansa ngayong taon, ayon sa pahayag ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes.

Sa datos ng BI, ang mga naturang dayuhan ay dumating sa Pilipinas, mula Enero hanggang Nobyembre 29.

Paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga ito ay hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Mactan, Cebu at Clark airport sa Pampanga.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"During the pandemic, there was an increase of online exploitation of women and children. When international travel resumed, the number of RSOs rose, which could show that the exploitation is being continued,” anang opisyal.

Nitong Miyerkules aniya, dalawa ring RSO ang pinigil ng mga tauhan ng BI sa NAIA-Terminal 1.

Si Francisco Narvios Tecson, 55, ay dumating sa bansa lulan ng Eva Air flight  mula sa Taiwan.

Hinatulan ito ng korte kaugnay ng pangmomolestiya sa isang menor de edad sa United States 13 taon na ang nakararaan.

Hindi rin nakalusot sa Immigration si Dale Lloyd Bayless, 65. 

Pinatawan din ng pagkakakulong si Bayless sa Neosho, Missouri noong 1990 sa kasong sodomy kung saan isang 9-anyos na babae ang naging biktima nito.

PNA